"suko na brad. hindi lahat ng ipaglalaban mo ay mapupunta sa'yo. Hindi lahat ng pinaghihirapan ay mapapanalunan. hindi lahat ng inaamin ay may magandang kasagutan. Minsan, kailangan mo itong tanggapin na sadyang madaya ang buhay. Kailangan mo itong tanggapin kahit walang magandang dahilan. kahit naman kasi ano ang maging dahilan nito ay isa lang naman ang kahihinatnan. Iiwan ka pa rin nya. kaya brad, gawin mo ang best mo sa susunod na laban at gawing lakas ang mga kamalian"
galing sa librong nabasa ko. tama nga naman na kapag wala na, wala na talaga. kahit anong pilit mo pa sa kanya kung ayaw na nya ayaw na nya talaga. kahit na anong gawin mo o sabihin mo hindi mo na maibalik sa dati lalo na kung sya na yung sumuko. pero kung hindi mo talaga matanggap ituloy mo pa rin ang pag laban hanggang sa onti onti ka ng sumusuko dahil sa mga effort mo na nababalewala. minsan kasi may mga bagay na hindi worth it na kahit gaano mo katagal naghintay eh kung inayawan ka na talaga wala na tayong magagawa don pero hanggang kaya mo pa sige lumaban ka lang para sa huli alam mo sa sarili mo at alam nya din na lumaban ka kahit pilit ka na nyang pinagtatabuyan na kahit hindi kana din nya nirereplyan nagpupumilit ka pa din para lang makipag ayos dahil nasanay kana kasi na lagi syang nandyan. yung tipong pag gising mo bubungad sayo yung "goodmorning message nya sayo" na kapag matutulog ka na may bubungad sayo na "goodnight message" at ngayong wala na sya parang may kulang lagi sayo at titingin ka ng titingin sa cellphone mo kung may text sya o may chat sayo tapos mararamdaman mo wala na talaga sya. pag umayaw na sayo try mo kung kaya pa maayos pero kung nahihirapan kana bumitaw kana. tandaan mo na lahat ng mabigat ay gumagaan pag binibitawan. hindi mo dapat ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw na sayo. may dadating na mas higit pa sa kanya, hintayin mo lang kasi na traffic lang sya :) (how to apply sa sarili ko lolololol)
No comments:
Post a Comment