Saturday, October 15, 2016

ISIPIN MO YUNG MGA MOMENT NA NAGING MASAYA KAYO PAREHO AT KUNG BAKIT KAILANGAN NYO PANG MAGING MATATAG NGAYON

"kaya tayo gumagawa ng memories para may balikan kapag medyo lumalabo na yung nangyayari sa inyo ngayon.

Kung lalake ka, alalahanin mo yung mga araw na nililigawan mo pa siya. Bakit mo siya gusto? Bakit mo siya nililigawan at gustong-gusto makuha that time? Ano ang meron ngayon at bakit ganyan attitude mo towards her? Tama pa ba yang ginagawa mo? Bakit mo sinasaktan ang taong pinag effortan mo nang husto makuha lang ang matamis nyang oo?"

In the first place ikaw tong nangungulit sa kanya, ikaw tong pinapafall siya, ikaw tong effort ng effort tapos ngayon sasaktan mo siya? papaiyakin mo siya? hindi mo na dapat ginulo buhay nya kung sa huli ikaw pala tong mananakit sa kanya.

"Kung babae ka naman, alalahanin mo naman yung mga araw kung bakit mo siya sinagot. Kung bakit mo siya nagustuhan. Kung bakit sa dami ng lalakeng nasa paligid mo ay siya ang napili mo. Bakit siya naiiba? Ano ang mga ginawa niya sayo na napakilig sayo nang husto kaya mo siya sinagot? Pwede kasing sabihin yon at hanapin sa oras na matabang na ang relasyon nyong dalawa."

Alam naman natin sa una na "ay iba to sa mga nakilala ko" "feeling ko siya na" "feeling ko hindi ako sasaktan non" lahat ng mga feeling mo noon na hindi nya magagawa, ay nagawa na nya ngayon. pero hindi mo dapat pagsisihan dahil kahit papaano pinasaya ka nya yun nga lang lumabo na.

"Malaki ang part ng mga ginagawa niyong memories sa mga taong importante sa buhay niyo lalo na kung nasa relasyon kayong dalawa. Yung mga memories na yon ang mga pundasyon para mas mapatibay at mas kumapit ang isat isa sa relasyon. Ngayon pa ba kayo susuko? Ang dami nyo nang pinagdaanan oh. Sayang ang oras at luha kung pwede namang ayusin. Huwag kayong susuko dahil lang malungkot. Pagsubok lang ang lahat ng yan"

Pero kung yang pagsubok na yan ay hindi nyo na kaya pang ipaglaban balikan nyo lang ang mga memories nyong nagawa hanggang sa pareho nyo marealize kung anong masasayang sa inyo pero pag hindi na talaga mag work balikan ang blog na nagawa ko bago ko ipost to 😋

No comments:

Post a Comment